Lobitzzz blog... Lobitzzz blog...Lobitzzz Lobitzzz blog...Lobitzzz blog... Lobitzzz blog...Lobitzzz Lobitzzz blog...

ako ito...

My photo
Ako nga pala si Lobitz, sa Pisay nag-aaral at mahilig ako sa mga kinahihiligan ko... gusto ko ng mga gusto ko.. at natatawa ako sa mga nakakatawang bagay.. at ayaw ko sa mga kinaiinisan ko... yun lang

downloaddownloaddownload

Thursday, November 20, 2008

It's Friday again!!!

YES!!!! Friday uli!!! makakapagpahinga uli ako kahit, kakapahinga lang namin... nakakatamad kasi eh... Pero kahit good news nga yung makakapagpahinga kami, marami namang bad news, tulad ng may long test sa chem sa monday at may english project kami na due next week... tae naman, ang daming gagawin nerxt week... Bakit!!!!!??? oh no?!?!?! sana wala nalang gawin next week... pero okay lang yan, kailangan ko lang mag-aral ng mabuti para mapasa ko yung test... at kailangan kong maki-cooperate sa mga groupmates ko.... at tsaka masaya rin ako kasi, pasado ako sa chem probset namin, kaya okay lang yun... hahahaha... siguro ang pic of the day ko ngayon ay: isang screenshot sa Red alert 3... wala lang...

Wednesday, November 19, 2008

anong bang date ngayon?

oh men... wednesday ngayon... alom mo kung bakit ako natatakot? kasi bukas ay thursday? alam mo ba kung anong meron sa thursday? meron kaming isang problem set sa chem at long test sa physics!! tae ang dami pang gagawin bukas... kinakabahan tuloy ako sa chem, kasi di ko maintindihan yung ibang tinuturo ni sir, ang gulo kasi eh... pero kahit, maraming test bukas, siguro ay magiging masaya pa rin ako dahil, masaya yung araw na ito... basta, di ko na sasabihin sa iyo... siguro ngayon, wala akong pic of the day, tinatamad kasi ako, eh, kaya lang ako nag post, ay dahil kailangan sa com sci eh... si sir kasi eh...

Sunday, November 16, 2008

Sa wakas!

Ngayon lang uli ako nakalagay ng entry dito sa blog ko... tinatamad kasi ako dati eh... uhmmm anu kaya ang nagyari ngayon na pwede kong i-share?? ay oo nga pala, last week, may mahaba kaming weekend... Super saya nung week end kasi nakapagpahinga na rin ako sa wakas... haaaay... pero kahit mahaba yung binigay sa amin na weekend, sobrang rami paring homework yung binigay sa amin.. may galit nga talaga yung mga teachers namin... ano ba naman yan... pero okay lang.. hahahaha... oo nga pala, marami paring homework bukas... o sige kailangan ko nang tapusin itong blog entry na ito, kaya lang naman ako naglagay dito kasi required ehhhh... so yung pic of the day ko ay yung: pic ni Akira Kurosawa na nakit ko sa internet... hahahah wala lang, kakaenglish lang kasi namin eh...