Lobitzzz blog... Lobitzzz blog...Lobitzzz Lobitzzz blog...Lobitzzz blog... Lobitzzz blog...Lobitzzz Lobitzzz blog...

ako ito...

My photo
Ako nga pala si Lobitz, sa Pisay nag-aaral at mahilig ako sa mga kinahihiligan ko... gusto ko ng mga gusto ko.. at natatawa ako sa mga nakakatawang bagay.. at ayaw ko sa mga kinaiinisan ko... yun lang

downloaddownloaddownload

Monday, September 15, 2008

mg haiku ko!!

Cell phone

Pindot ng pindot,

Laging kinaka-usap,

‘di rin sumagot.

Electric Fan

Isaksak mo ‘to.

Maghintay ng sandali.

Hangi’y regalo.

Papel

Sulatan natin.

Kawawa naman ito,

itatapon din.

Langgam

Kami ay gutom.

Naghahanap ng pagkain,

lalo na ‘pag hapon.

Puso

Tunog ng tunog.

Nagbibigay ng buhay.

Kabog ng kabog.

Natatae

Pagod na ako,

tinatawag ng banyo.

Ang baho baho.

Inuman

Pare kamusta?

Ngayon lang ‘kaw nakita.

Isang beer? Teka.

Kalendaryo

May pasok ba ‘ko?

Ano bang araw ngayon?

Bukas ay Linggo.

Daga

May pagkain dun.

Halina’t kunin natin.

Ano kaya ‘yon?

Naglalako

May tao ba ‘to?

Wala pa tayong benta,

alis na tayo.

Pagsusulit

Pahinging papel,

sana hindi mahirap.

Bakit ‘di nagbell?

Chess

Tayo’y maglaro!

‘Eto ang ititira.

Natalo ako.

Prom

Malapit na ‘to.

Sino kaya ang prom date?

Ako ba’y gwapo?

Bata

Nagmura ako,

lagot ako kay mama.

Dila’y pinalo.

Buto

Ibato ito.

Maghintay at diligan,

merong tutubo.

Pisay

May pasok ako,

unang ara sa iskul.

Anong malay mo?

Ngipin

Nakakasilaw.

Pero ‘di nililinis,

tuloy, nanilaw.

Filipinong Haiku

Takdang aralin,

sabi ay limang tula,

Dapat isipin.

No comments: