Lobitzzz blog... Lobitzzz blog...Lobitzzz Lobitzzz blog...Lobitzzz blog... Lobitzzz blog...Lobitzzz Lobitzzz blog...

ako ito...

My photo
Ako nga pala si Lobitz, sa Pisay nag-aaral at mahilig ako sa mga kinahihiligan ko... gusto ko ng mga gusto ko.. at natatawa ako sa mga nakakatawang bagay.. at ayaw ko sa mga kinaiinisan ko... yun lang

downloaddownloaddownload

Saturday, September 20, 2008

a filipino homework

pinagawa kami kasi ng teacher ko ng isang homework. sabi niya gumawa daw kami ng isang storya... eto yung ginawa namin... wala lang.. ang stupid niya pero maganda

Ang Balde ng Tubig”


Hapon noon, at mainit pa ang kapaligiran, nang si Esteban, na isang magiting na mandirigma ay nakikipaglaban sa isang kulay bahaghari na dragon. Naglabanan sila ng humigit kumulang na anim na oras, hanggang sumapit ang gabi. Hindi niya na makita ang dragon dahil madilim, kaya hinabol siya nito at inangat siya sa ere. Niyugyog niya ito ng malakas. Ngumanga ang dragon at nagsalita, “Anak, anak, gumising ka na! Mahuhuli ka na!” Dumilat na ngayon si Eteban at nakita niya na niyuyugyog siya ng kanyang ina upang siya ay bumangon mula sa kama. Nainis si Esteban dahil pinutol ng kanyang ina ang maganda at Masaya niyang panaginip. Pinatayo siya ng ina niya mula sa higaan, ngunit dahil sa tinatamad at inaantok pa siya, hindi niya pinansin ang iniutos ng kanyang inay. Ngunit dahil sa nag-aalala ang ina sa kanyang anak, umalis ang ina upang maghanap ng paraan upang pilitin si Esteban ng bumangon sa kama. Nakita ni Esteban na umalis ang kanyang ina na para bang may binabalak na gawin sa kanya. Kinabahan si Esteban sa maaaring gawin sa kanya ng kanyang ina dahil sa kanyang pagsuway sa utos nito. Ngunit nanatili parin siyang nakahiga at takot na takot. Dahil sa inaantok siya, nakatulog si Esteban. Nakabalik uli si Esteban sa kanyang panaginip pero siya ay nasa kamay parin ng dragon. Si Esteban ay nagpumilit na kumawala ngunit dali-dali siyang binugahan ng dragon ng apoy at kumukulong asupre. “AAAAAYYYYY!!!!!!” ang sigaw ni Esteban na siguradong gising na gising at basang-basa pa.


No comments: