eto yung story na homework din namin...
“Si Mongol”
Roy ang pangalan niya, isang batang, tumatakbo sa loob ng National Bookstore. “Mama! Mama! Ang ganda nito! Ibili mo ako nito! Sige na!” hiyaw niya sa kanyang ina, sabay turo sa kulay berdeng bolpen. Marahang niyugyog ng ina ang kanyang ulo, at sinabing hindi sa kanyang anak. “Sige na mama, please!” makaawa ng anak, ngunit wala siyang nagawa. Bumili ang ina ng lapis, at sinabi sa kanyang anak na lapis na lang ang bibilhin niya dahil hindi naman kailangan ni Roy ng bolpen dahil bata pa lamang siya. Kahit malungkot si Roy, kinuha niya pa rin ang lapis.
Tuwang-tuwa ang lapis dahil matapos ang napakatagal na panahon na siya ay nasa loob ng plastic, sa wakas may bumili na rin sa kanya. Nagpaalam ang lapis sa mga kasama at kaibigan niyang mga lapis sa basket. Sinabi ng ina ni Roy na kailangan na nilang umalis dahil dumidilim na sa labas, itinaas na anak ang kanyang kamay at ito nama’y hinawakan ng ina, at sila’y lumabas ng bookstore. Sa daan, kitang-kita sa mukha ni Roy ang dismaya, ngunit sinubukan niyang maging masaya dahil ibinili pa rin siya ng lapis ng kanyang ina. Inip na inip naman si Mongol, ang lapis na nasaloob na pulang plastic, na lalagyanan ng ibang pang gamit ni Roy para sa eskwelahan. Kahit naiinip si Mongol, masaya pa rin siya, dahil meron nang nagmamay-ari sa kanya.
Hinubad ni Roy at ng kanyang ina ang kanilang tsinelas at nagmano si Roy sa kanyang itay. Tumakbo kaagad si Roy upang gamitin ang mga gamit niya para sa eskwelahan. Sinulatan niya sa itaas na bahagi ni Mongol ang letrang R, upang malaman na sa kanya ito nagmamay-ari. Kinuha niya ang papel, pantasa at si Mongol. Tinasahan niya ng malumanay si Mongol sa takot na baka masira niya ito kaagad. “Aray!” sigaw ni Mongol, nagtaka siya kung anong ginagawa sa kanya, nakaramdam siya ng kaunting lamig habang tinutuklap ang labas na parte ng kanyang katawan. Nakita ni Mongol na may maitim na bagay ang lumalabas sa ilalim niya habang tinatagal ang dilaw na kahoy. Pawis na pawis siya pagkatapos siyang tasahan dahil sa sakit. “Ano kaya ang ginagawa sa akin? At bakit?” tanong ni Mongol sa sarili. Dali-daling ibinababa ni Roy si Mongol malapit sa papel at sinimulang gumuhit ng isang letrang R at O at Y, na hindi gaanong maganda. Doon lamang napagtanto ni Mongol na tinasahan siya upang ilabas ang itim na bahagi sa loob na siyang gagamitin upang sumulat. Galak na galak siya ng makita niya na ginagamit na rin siya ni Roy.
Umaga noon ng tumatakbo si Roy upang pumunta sa una niyang klase sa araw na iyon. Tuwang tuwa siya dahil ginagamit siya ni Roy upang magsulat. Nakakita siya ng mga ibang lapis at nakipagkaibigan siya dito. Nilagay siya ni Roy sa loob ng kanyang bulsa. Sa sobrang tagal ng klase nakatulog siya sa loob, at hindi niya namalayang tapos na ang klase nang makarinig siya ng “Click! Click! Tick!” nagising siya at nakita si Roy at iba niyang kaklase na masayang nagtatakbuhan sa labas ng silid. Sinubukan niyang sumigaw upang siya’y makita nito ngunit hindi siya nito naririnig, nalungkot siya ng lubos. Umiyak siya ng umiyak. Bigla niyang naramdaman na umaangat siya mula sa lupa at may narinig siyang nagsabi, “Uy! May lapis! Tamang-tama wala akong lapis!” at nakita niyang may isang bata, Tod ang pangalan. Nagulat siya dito at sinubukan kumawala ngunit hindi niya kaya. Umalis na si Tod at pumunta sa kanyang susunod na klase.
Umupo si Tod, noong inutusan sila ng guro na kumuha ng isang pirasong papel dahil meron silang pagsusulit sa araw na iyon. Habang nagsasagot, binato ni Tod si Mongol ang lapis sa kanyang katabing upuan. “Aray!” sigaw ni Mongol nang malaman na binato siya ni Tod. “Ma’am! Nahulog po yung lapis ko kukuhanin ko lang po.” Wika ni Tod, dahan-dahan siyang yumuko at bumulong, “pssst, pssst, ano sagot sa 16?” “D” ang sagot, at umupo na siya sa upuan niya. Pagkatapos ang klase lumipat na sila sa kabilang klase.
Sobrang tinamad at inaantok si Tod at wala siyang magawa. Dahan-dahan niyang tinaas si Mongol patungo sa kanyang mukha. “Araaay!!! Ang sakit!!!” namilipit si Mongol nang makita niya na nginangat-ngat siya ni Tod. Halos mapaiyak siya sa sakit, ngunit wala siyang magawa.
Pagkatapos ng ilang mga paghihirap, nakapulot si Tod ng asul na bolpen at tinapon na si Mongol, na halos wala nang tasa at puno ng ngat-ngat. Umiyak na lang si Mongol, ngunit sa huli, masaya pa rin siya, dahil nabuhay siya at nagamit ng ibang tao bilang lapis.