eto ng pala yung poem na ginawa ko para sa filipino namin....
Halik
Bakit parang malamig?
Ako ay nanginginig.
Idinilat ang mata,
at biglang napanganga.
Isang dalampasigan,
ang aking nasilayan.
Babaeng ang gaganda,
sa aki'y nagpasaya.
Kumaripas ng takbo,
sa tubig ay patungo.
Kumusta binibini?
Ang balat ay kay puti.
Puso'y tumibok-tibok,
sana ay 'di masuntok.
Ang dalaga'y ngumiti,
para bang kalapati.
Ako'y sabik na sabik,
matikman lang ang halik.
Ang labi ay sumipsip,
'to pala'y panaginip
No comments:
Post a Comment