Lobitzzz blog... Lobitzzz blog...Lobitzzz Lobitzzz blog...Lobitzzz blog... Lobitzzz blog...Lobitzzz Lobitzzz blog...

ako ito...

My photo
Ako nga pala si Lobitz, sa Pisay nag-aaral at mahilig ako sa mga kinahihiligan ko... gusto ko ng mga gusto ko.. at natatawa ako sa mga nakakatawang bagay.. at ayaw ko sa mga kinaiinisan ko... yun lang

downloaddownloaddownload

Wednesday, September 24, 2008

ano bang meron sa Pisay??

alam niyo ba... na mayroong mga kababalaghang makikita sa pisay... hindi mo alam kung sino o ano ang kasama mo at tumitingin sa iyo, malay mo may mga espiritu sa paligid mo ngayon at tinititigan ka, pwedeng anghel o iba... ikukuwento ko ang isa sa karanasan ko eskwelahan ng mga matatalino...

library, library, library

Enrollment noon, tandang tanda ko pa. Kakabigay lang sa akin ng tita ko ng bagong cellphone, bilang premyo ko. Pumunta kami ng nanay ko sa eskwelahan upang mag-enroll, pang apat ako sa listahan ng nag-eenroll. Lumabas muna ako dahil inip na inip na ako sa registrar ar upang malibot ko ang pisay, nilabas ko ang cellphone ko at pinaandar ko ang stopwatch upang malaman . pumunta ako sa labas ang nagsimulang maglakad patungo sa gawing library. wala pang mga tao noon, kaya sarado ang library, madilim sa loob, tahimik. Pumunta na lang ako sa corridor malapit sa front landing, naglakad ako nang mabagal at inilabas ko ang aking cellphone upang gumawa ng video para kunwari ako ay naglalakbay. pagkatapos ng ilang segundong nagplaplay ang video... may isang imahe ang nabuo sa loob ng cellphone ko habang nagvivideo ngunit wala naman sa labas... tinignan ko kung ano ito, at inisip na ito ay kagagawan lamang nang araw ngunit, madilim dun sa lugar na iyon eh... kaya naisip ko na hindi na ito ilaw lamang, iba na ito, habang tumatagal, napansin ko na papalapit ang parang kumot ng larawan sa akin. pinatay ko ang camera at tinignan ang stop watch ko, laking gulat ko ng makita kong tumitigil tigil ang pag-andar sa orasan, para bang bumabagal ang oras. kumaripas ako ng takbo papunta sa registrar. pagkadating ko doon, nakita ko ang nanay ko...

No comments: